Kahit na naninirahan ngayon sa Amerika, alam pa rin ng Soul Diva na si Jaya ang mga nangyayari sa Pilipinas-- partikular sa kaganapan sa politika.
Matatandaang nag-desisyon si Jaya na bumalik sa Amerika kasama ang kanyang pamilya Marso ng nakaraang taon.
Sa kanyang latest Twitter post ngayong Sabado, Pebrero 19, ipinahayag niya ang kanyang suporta kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa darating na eleksyon.
"Hey guys! To my Pinoy fams, Sorry I’ve not been active sa Twitter. Since moving to the US I’ve been following the news here at sa Pinas. Sensya na sa retweets that might not be of interest to you who follow me. But it’s impt that I read and know what’s happening around me…," tweet ni Jaya.
"I'm aware of what’s going on dyan sa Pinas at sa mga nagtatanong po #LetLeniLead,"sey pa ng Soul Diva.
Ipinagdarasal niya na magiging kalmado at maayos ang darating na halalan sa Mayo. Hiling din ng diva na ipakita ng bawat isa ang pagmamahal, respeto, at pag-unawa kasabay nang panghihikayat na bumoto sa Mayo.
Sa ngayon, pumapangalawa sa pinaka-bagong SWS survey ang manok ni Jaya na si Bise Presidente Leni Robredo.
Makatutulong kaya ang suportang ng singer sa pagtaas ng numero ng nasabing kandidato?