BAGUIO CITY – Isang makabagong atraksyon ang binuksan sa publiko ng Baguio Country Club, ang BCC Bloom Japan-Korea Garden, para muling pasiglahin ang turismo makaraang isailalim muli sa Alert Level 2 ang siyudad ng Baguio.

Ang makulay na garden ay hango sa mga kakaibang bulaklak at landscapes na naisipang gawin ng mga empleyado ng BCC habang inaantay na maibalik sa Alert Level 2 ang siyudad ng Baguio at magsilbing karagdagang tourist destination ng mga bisita.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Generally, ang composition ng garden na ito ay it's about 75 percent artificial. So we can sustain it most of the year and then the balance is recycled material of bamboo, paper, plastic bottle at may mga plants tayong natural, we plan to feature this until September then we will convert this into Christmas Village. This is open to the public for free,” pahayag ni BCC General Manager Anthony de Leon.

Ayon kay De Leon, naisip na konsepto ng magagandang garden sa bansang Japan at Korean at dahil magkapitbahay lamang ay ito ang ginawa nila at ang mga nag-disenyo ay mismong mga empleyado.

“Alam naman natin marami na tayong Japanese at Korean na residente dito at ang ating siyudad ang paborito nilang destination dahil sa ating klima, kaya parang tribute na rin sa kanila ang atraksyon na ito. Ginawa ito ng ating mga empleyado habang nasa Alert Level 3 tayo.”

Ang Bloom Garden ay pinasinayaan noong Pebrero 18, kasabay sa pagpapakawala ng 117 doves kaugnay sa pagdiriwang ng 117th Anniversary ng BCC.

“This is a featured that done completely by all of our employees especially at this time when we have surge of Omicron, so kahit hindi tayo nagkakaroon ng mga bisita,we give employee something to do,naka-duty sila,with or without visitor and guest ay employing them continuously,” wika pa ni De Leon.

Ayon naman kay Mayor Benjamin Magalong, very timely ang garden na ito ngayong napapanahon na makapunta na ang na turista sa siyudad ng Baguio.

“Sa ngayon ay kailangan natin ng mga karagdagang atraksyon para muling maibangon ang turismo sa ating siyudad. “I speak with pride in commending the BCC for this latest attraction and amenity in this historical place. Truly, nature tourism should be pursued in positioning Baguio as a foremost tourism destination, even more so as the city braces up into the New Normal,” pahayag ni Magalong.

Zaldy Comanda