Pinasalamatan ng Queen of all Media Kris Aquino si Presidential aspirant at Senador Ping Lacson sa naging pahayag nito tungkol kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

"I'd like to personally thank Sen. Ping Lacson for making me feeling good yet also further enlightened," ani Kris sa kanyang Instagram post.

screengrab mula sa Instagram post ni Kris Aquino

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Matatandaang sa naganap ng "The Jessica Soho Presidential Interviews" sinabi niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino ang hinahangaan niyang presidente dahil hindi umano ito corrupt.

"Ang hinahangaan ko si President PNoy. Unang-una, pinangunahan niya ‘yung ‘No Wang-Wang’ policy. Symbolic. Napakasimple pero napaka-symbolic. Ibig sabihin walang entitlement,” ani Lacson.

“Sa mga nakaraang pangulo natin talagang siya ang hinahangaan ko kasi hindi siya corrupt. ‘Yun ‘yung pagkakakilala ko sa kaniya dahil nakatrabaho ko siya,” dagdag pa nito.

screengrab mula sa Instagram post ni Kris Aquino

Ayon kay Kris, ang mga values na nabanggit ni Lacson ay nakita umano ni Pnoy sa mga magulang na sina dating Pangulo Corazon Aquino at Benigno Ninoy Aquino Jr.

Sinabi rin niyang puwedeng tanungin ng mga tao si Senate President Tito Sotto dahil kilala umano nito sina Cory at Noynoy.

"Tito Sen, nakatrabaho po both Mom and Noy. And he did get to know both. Pwede nyo siyang tanungin how simple and humble yet BRAVE our mamwas," ani Kris.

Ayon pa kay Kris, dahil sa sinabing "entitlement" ni Lacson nakaramdam siyang hindi siya "patas" sa mga kapwa Pilipino na nangangailangan ng pera na katumbas ng anumang mga regalo na binabalak ipadala ng mga tao sa kanya para sa kanyang kaarawan.

screengrab mula sa Instagram post ni Kris Aquino

Ngayong Lunes, Pebrero 14 ang kaarawan ng aktres.

"Please unahin nyong regaluhan ang iba, please choose who really needs your financial support now," ayon pa sa aktres.

Ibinahagi rin ni Kris na ngayon ay tumutulong sila sa mga feeding programs na pinangungunahan ng religiousgroups at mga indibidwal na pinagkakatiwalaan niya. Minabuti rin niyang gawing pribado ang kanyang pagtulong.

screengrab mula sa Instagram post ni Kris Aquino

Samantala, ang birthday wish niya ay ipagdasal ang isang taong mahal nila ni Pnoy.

Hindi nagbigay ng anumang detalye ang aktres para raw sa privacy ng tao.

"My true birthday wish? Please pray for someone both Noy and I love so dearly. Because I want to protect the person's privacy and HIRAP magbigay ng detalye," aniya.

screengrab mula sa Instagram post ni Kris Aquino

Ibinahagi rin ni Kris na mga apat na buwan siyang mag-aabroad dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit-- kasama raw niya ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

screengrab mula sa Instagram post ni Kris Aquino

"But the fact alone na all my prayers now, hindi para sa'kin, and i'm asking you to do the same-- na siya muna ang ipagdasal nyo, Please realize how much this matters to me," dagdag pa niya.

"Best birthday gift ever unahin nyo ang dasal para sa kanya then later na ko. Thank you because my heart is sure pagbibigyan nyo yung hingi kong birthday gift from you," saad pa ng aktres.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/13/alamin-ang-sakit-ni-kris-aquino-ano-ang-mga-sintomas-at-paano-ito-maiiwasan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/13/alamin-ang-sakit-ni-kris-aquino-ano-ang-mga-sintomas-at-paano-ito-maiiwasana>