CAVITE CITY -- Nasunog ang isang residential area na "Palace" sa Barangay 24 at kumalat sa Barangay 25, 26, at 27 nitong Sabado, Pebrero 12.

Sinabi ni Vice Mayor Denver Chua sa Manila Bulletin na umabot sa alert level five ang sunog, at tumupok sa 200 na kabahayan sa Barangay 24 lamang.

Inaalam pa ang bilang ng mga nasirang bahay sa tatlo pang barangay.

Bandang 4:45 ng hapon naapula ang apoy sa Barangay 25 at 27 habang idineklarang under control ang Barangay 24.

Eleksyon

11 senatorial aspirants ng Makabayan, sabay-sabay naghain ng COC

Ayon kay Chua, nagkaroon ng brownout sa lungsod bago sumiklab ang sunog.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung kandila o spark ng kable ng kuryente ang sanhi ng sunog.

Naghahanda na ang local government unit na magdeklara ng state of calamity para maglabas ng pondo para sa tulong pinansyal para sa mga residenteng nawalan ng tirahan.

Pansamantalang tumutuloy ang mga biktima ng sunog sa Ladislao Diwa Elementary School.

Carla Dena