Posible umanong magkaroon na ng in-person graduation ceremonies sa mga campus kung magpapatuloy ang pagluwag ng mga COVID-19 restrictions.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan, inirekomenda na ng DepEd ang expanded in-person classes at school-based activities, gaya ng graduation ceremonies, kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"Kung tuloy-tuloy ito , hindi malayo na yan maging posibilidad nga,” pahayag pa ni Malaluan sa Laging Handa public briefing.

Sinabi pa ni Malaluan na kailangan rin konsultahin ang Department of Health (DOH) hinggil dito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang nitong nakaraang linggo, umarangkada na ang expanded phase ng limitadong face-to-face classes sa may 304 paaralan sa ilang lugar na nasa ilalim na ng Alert Level 2. 

Mary Ann Santiago