Mas pinalawak pa ngayon ang  Arroceros Forest Park, na kilala bilang  “the last lung of Manila."

Ayon kay Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno, nadagdagan pa ng 5,100 metro kwadrado ang sukat ng naturang parje upang makapagbigay ng mas maluwag na espasyo para sa kasiyahan ng mga pumapasyal dito. 

Inihalintulad rin ni Moreno sa Sydney, Australia ang parke.                         

Ayon kay Moreno, sa pamamagitan ng suporta ng  Manila City Council sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor at mayoralty candidate Honey Lacuna, bilang presiding officer, ang sukat ng forest park ay nadagdagan ng 5,100 square sa pamamagitan ng isang batas, kaya ang orihinal na sukat nito na 2.2 hectares, ay naging 2.71 hectares. 

Eleksyon

Comelec, dismayado sa mga politikong maagang nangangampanya

                      

Ang newly-rehabilitated Arroceros Forest ay binuksan sa publiko kamakailan ng Manila city government sa pangunguna nina Moreno, Lacuna at Congressman Yul Servo.                                                                

Ito ay malapit sa Manila City Hall at nag-aalok sa publiko, Manilenyo man o hindi, ng open-air na lugar para sa physical activities, strolling at get-together para sa pamilya at magkakaibigan.

Pinuri rin ni Moreno sina City engineer Armand Andres, city electrician Randy Sadac, city achitect Pepito Balmoris at public recreations bureau director Pio Morabe,  gayundin ang  Save Arroceros Movement, Winner Foundation at iba pang mga organisasyon na nagtutulak para sa proteksyon ng Arroceros Forest Park. 

Sa ilalim ng  Arroceros Urban Forest Park Development program na ipinatupad na bago na ang inagurasyon, sinabi ni Moreno ang parke ay mayroong original  landscaping at special lighting system; elevated walkways at pedestrian trail bridge; water features tulad ng fountain; Koi pond, meditation area, outdoor information center at exhibit area; jogging path; public comfort rooms; administration office; material recovery facility; a kiosk (coffee shop); free wifi; CCTV cameras; vertical garden at LRT columns; plant boxes at light posts sa  park extension area.                                       

“Kung ano ang aking nakita sa Sydney, ganito rin ang ginawa natin dito.  Masaya ako para sa inyo dahil may bago na kayong pasyalan,” sabi ni Moreno matapos na maalala ang dating itsura ng parke na kalunos-lunos, mabaho at marumi, tapunan ng mga junks. 

“Muntik nang mawala ang Arroceros. Salamat sa pagkakataon, na kahit sa murang edad ay naging alkalde tayo ng lungsod.  Tayo po ay patuloy na committed pangalagaan anumang natitirang ganitong uri ng lugar na magiging kapaki-pakinabang sa kasalukuyan at darating na panahon,” dagdag ng alkalde.

Ang bagong parke ang siyang pinakabagong karagdagan sa mga ginagawa ng pamahalaang lungsod na lumikha ng open-air, green spaces upang mapabuti ang mental health issue ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lugar kung saan magagawa nila ang mga physical activities sa safe environment. 

Mary Ann Santiago