May sinabi si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon tungkol sa naganap ng proclamation rally ng UniTeam nina presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte noong Pebrero 8.

Sa Twitter post ni Guanzon nitong Huwebes, Pebrero 10, ibinahagi niya ang sinabi ng kanyang kaibigan na nagpunta sa Philippine Arena na kung saan ginanap ang naturang proclamation rally.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1491611705054425088

"A friend was in The Arena . Konti daw tao, photo ops lang," saad niya.

Binanggit din niya ang Commission on Elections (Comelec) sa kanyang tweet. Aniya, dapat outdoor ang lahat ng rally.

"Dapat outdoor lahat ng rally. Hello @COMELEC" aniya pa.

Naunang naiulat na aabot umano sa mahigit 50,000 ang kapasidad ng Philippine Arena sa Sta. Maria Bulacan ngunit dahil sa ipinatutupad na health protocol, kalahati lamang ang pinayagang makapasok sa lugar.

Kaya nasa 25,000 lamang ang inaasahan ng event organizers ng UniTeam.

Samantala, wala pang nilalabas na pahayag ang UniTeam kung ilan ang eksaktong bilang ng mga dumalo sa kanilang proclamation rally noong Pebrero 8.