Inaasahan na ng gobyerno ang pagdagsa ng mga dayuhan simula ngayon, Pebrero 10, matapos buksan ang pintuan nito para sa mga turista.

Sa pagtaya ng Bureau of Immigration (BI), asahan nito ang 30 porsyentong pagtaas ng pagdating ng mga turista sa bansa sa unang araw ng pagtanggal nito sa border control nito.

Paliwanag ni BI port operations chief Carlos Capulong, inaasahan nilang ang pagdating ng lagpas 7,000 na turista ngayong Huwebes, mas mataas kumpara sa naitala noong nakaraang taon na 4,816 sa kapareho ring petsa.

Paglilinaw ng ahensya, ang mga bakunadong turista lamang ang papayagan nilang pumasok sa bansa, ayon na rin sa ipinaiiral na safety at health protocol ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Jun Ramirez