Ang ikalimang yugto ng action plan ng bansa laban sa coronavirus (COVID-19) pandemic ay tututuon sa pagbangon ng ekonomiya at pagbabakuna sa mas maraming Pilipino laban sa virus, pagbabahagi ng Malacañang nitong Miyerkules, Pebrero 9.

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasunod ng mga mungkahi na magsimulang gumawa ng mga hakbang ang government pandemic task force upang alisin ang mga Pilipino sa isang pandemic mindset.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Nograles na ang National Action Plan Phase 5 (NAP 5), na ginagawa ngayon ng iba't ibang grupo ng pandemic task force ng gobyerno, ay tututuon sa economic recovery dahil Omicron variant na ang dominant strain ng COVID-19 sa bansa.

“Ang focus natin dito would be on economic recovery, kumbaga pagbalik ng kabuhayan ng ating mga kababayan,” sabi ni Nograles nitong umaga ng Miyerkules.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Dapat mas marami po ang makakapag-hanapbuhay na. Mas marami ang employment. Ma-promote natin ang job promotion, investment, catch-up plan natin para sa economy,” dagdag niya.

Sinabi ng opisyal ng Palasyo na ang NAP 5 ay iikot sa reyalidad na marami na ngayong nabakunahan laban sa COVID-19. Idinagdag niya na titiyakin ng plano na mas maraming tao, kabilang ang mga menor de edad, ang ganap na mabakunahan at makakakuha ng kanilang mga booster shot.

“[It is] under that context na marami na po sa ating mga kababayan ang fully vaccinated. Mas dadami pa po ang fully vaccinated diyan at nag-umpisa na rin po tayo ng vaccination ng ating mga kabataan,” aniya.

Samantala, pagdating sa healthcare, sinabi ni Nograles na kasama sa NAP 5 ang pangangalaga sa bahay at pagkuha ng mga gamot para sa COVID-19.

“Mas ma-focus na natin yung telemed,” sabi niya.

Argyll Cyrus Geducos