Matapos ang patutsada ng misis ni presidential aspirant at Manila Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso na si Dynee Ditan Domagoso sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Pebrero 4, sa mahinang internet connectivity ng katunggali ng kaniyang mister na si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo, tila may pasaring na tanong si showbiz columnist at certified Kakampink Ogie Diaz laban sa kaniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/dynee-domagoso-may-patutsada-internet-nga-hindi-maayos-bansa-pa-kaya/

"Buti pa misis ni Yorme, hindi nakakaranas ng pag-down ng internet connection. Ano po ang internet service provider n'yo para ma-try 'yan?" tanong ni Ogie Diaz, kalakip ang naisulat na artikulo tungkol dito sa Balita Online.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso at Dynee Ditan Domagoso (Screengrab mula sa FB/Ogie Diaz)

Sa social media post ni Mrs. Domagoso, nagpatutsada siya na kung ang internet nga ay hindi maayos [ng isang kandidato] paano pa umano aayusin ang bansa? Inihalintulad pa niya ito sa isang estudyante na may class reporting.

“Internet nga hindi maayos, bansa pa kaya. Kumbaga sa class reporting, preparedness is the key para ? [100] ang grade,” aniya.

Matatandaang sa naganap na KBP Presidential Candidates Forum na 'Panata sa Bayan' noong Biyernes, Pebrero 4, tanging si Vice President Leni Robredo lamang ang nagkaroon ng problema sa internet connection.

Kaaagd namang humingi ng paumanhin si VP Leni tungkol dito.

“I apologize for the bad connectivity during the forum. The fault is all mine,” ani Robredo sa kanyang Twitter account.

“Our team tried hard to convince me to cancel all other engagements, pero pinilit ko pa din hanapan ng paraan to fulfill all our commitments, dahil alam kong naghihintay yung communities na pupuntahan namin, para maihatid yung tulong na pabahay bago magstart ang campaign period,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/04/robredo-humingi-ng-paumanhin-dahil-sa-mahinang-internet-sa-oras-ng-kbp-forum/

Sa isa pang Facebook post, nagpasalamat si Dynee sa mga netizen na nagpa-famous sa kaniya, at tila hindi alintana ang mga batikos na natanggap dahil sa kaniyang sinabi.

"Thank you for making me famous! While you are busy attacking me, I’m busy gaining supporters!" aniya.

Si Diana Lynn Ditan-Domagoso o mas kilala bilang Dynee Domagoso ay ikinasal kay Mayor Isko noong Enero 10, 2000. Biniyayaan sila ng limang anak na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan, at Drake Marcus. Sa kanilang lima, si Joaquin ang sumunod sa yapak ng kaniyang ama sa pagiging artista. Napapanood siya ngayon sa GMA Network.