Magandang balita dahil pagkakalooban ng Mandaluyong City government ng third service recognition incentive (SRI) at gratuity bonus ang kanilang mga empleyado dahil sa pagkakaloob ng serbisyo sa mga mamamayan.
Ito ay alinsunod na rin isinasaad sa ilalim ng Administrative Order (AO) No. 45 s. 2021 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, ang mga regular at casual employees ay pawang tatanggap ng₱10,000 na SRI habang ang mga job-order at service contractual employees naman ay tatanggap ng gratuity bonus na hanggang₱5,000.
Anang alkalde, maging ang mga job order at mga service contractual employees na hindi kasama sa tatanggap ng SRI ay pinabigyan rin niya ng bonus sa city council bilang patunay na pinahahalagahan nila ang serbisyo ng mga ito lalo na ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.
“Even if job order and service contractual employees are not included to receive the SRI, I asked the city council to include in the city ordinance to give a gratuity bonus for them,” ani Abalos.
“They will receive at least₱2,000 depending on the number of months they reported for work. We really value the service they rendered despite the ongoing pandemic," aniya pa.
Nauna rito, nilagdaan ni Pang. Duterte sang AO 45 noong Disyembre 24, 2021 na nagpapahintulot sa mga local government units (LGUs) na mabigyan ng one-time SRIs ang kanilang mga empleyado, na tutukuyin ng kani-kanilang mga sangguniang lungsod, at depende sa financial capability ng city government.
Mary Ann Santiago