Sinabi ni Vice presidential aspirant Dr. Willie Ong nitong Lunes. Pebrero 7 na handa siyang pamunuan ang Department of Health (DOH) kung mananalo sa pinakamataas na posisyon ang kanyang running mate at presidential candidate na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ng vice presidential aspirant na kukunin niya ang anumang posisyon na ibibigay sa kanya, ngunit malamang na pipiliin niyang pamunuan ang health department.

“Oo, walang problema. Kapag si Mayor Isko ang naging presidente, most likely kukunin natin ‘yung DOH para matulungan natin pero kung saan niya tayo ilalagay pwede naman eh. Kasi marami tayong babantayan, ‘yung FDA [Food and Drug Administration], papalakasin, ‘yung PhilHealth tututukan. Kahit ‘yung mga DSWD [Department of Social Welfare and Development], mga ayuda,” sabi ni Ong sa panayam.

Sinabi ng cardiologist na isa sa kanyang mga plano ay paigtingin ang higit pang mga kampanya tungkol sa mga kapaki-pakinabang na epekto ng bakuna sa COVID-19.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, sinabi ni Ong kung matalo siya sa darating na halalan, susubukan niyang tumakbong muli sa pampublikong opisina.

“Baka uulit tayo nang uulit hanggang manalo tayo kasi ‘yan lang naman ang kailangan. Tinatry ko kasi ‘yung daan na malinis eh na kung puwede manalo na walang utang kahit kanino para makagawa tayo ng maganda,” aniya.

Nilinaw din ni Ong na hindi siya tumatanggap ng campaign funds mula sa sinuman.

Hannah Torregoza