Mahigit sa 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱3,450,000 ang nahuli sa isang umano'y big-time drug pusher sa Taguig City nitong Biyernes, Pebrero 4.

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naaresto na si Nho Taya, nasa hustong gulang, at taga-Taguig City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, hindi na nakapalag ng suspek nang damputin ng mga awtoridad sa Bukidnon St., Zamboanga St., Brgy. Maharlika Village, dakong 2:10 ng hapon matapos umanong bentahan ng droga ang isa sa police poseur-buyer.

Nakumpiska sa suspek ang nasabing iligal na droga at marked money.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Taya.

Bella Gamotea