Para kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon isang senador na taga-Davao ang taong 'may impluwensya' umano para hindi pa ilabas ni Comm. Aimme Ferolino ang resolusyon nito sa disqualification case laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ito ay ekslusibo niyang ibinahagi sa interbyu ni Karen Davila sa Headstart ng ANC ngayong araw, Pebrero 1.

Aniya, hindi umano lalakas ang loob ni Comm. Ferolino na i-delay ang resolusyon kung hindi ito suportado ng kahit isang senador.

"You know Commissioner Ferolino lacking in experience in practice of law, was nominated and strongly supported by a senator, or at least one senator. That's already in record that she will not act like this if it's not a senator who will ordered her because they are very close since they are both in Davao," ani Guanzon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"She's a new commissioner, she's very bago lang. You think, she will dare go against your presiding commissioner? To the extent that do not even comply to the chairman's plea for her to release it."

Sinabi naman ng presiding commissioner na hindi na niya ito papangalanan dahil nalaman na mismo ng asawa ng tinutukoy niyang senador.

Dagdag pa ni Guanzon, sinabihan na niya ang isang taong may awtoridad ukol sa koneksyon ni Ferolino at ng isang senador.

"I already to that I already told a person in authority. And he will get back to me," paglalahad ni Guanzon.

Ayon kay Davila, mayroon lamang dalawan senador mula sa Davao — Senador Bong Go at Retired police general at ngayon ay senador na si Bato dela Rosa.

Iniwan namang palaisipan ni Guanzon kay Davila kung sino ang tinutukoy nitong senador.

Paglilinaw ni Guanzon, hindi pa oras para pangalanan ang senador na kanyang tinutukoy ngunit kung ipatawag siya sa senado para sa isang forum, handa siyang harapin at pangalanan ito.

Dagdag pa ni Guanzon, hindi na siya magsasampa ng reklamo sa tinutukoy niyang senador dahil problema na ito ng senador.

Ani Guanzon, ang dapat atupagin at pagtuunan ng pansin ay si Marcos, na para sa kanya ay isang 'mahinang pinuno' at convicted.