Nagprotesta nitong Lunes, Enero 31, ang mga health workers sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) sa Maynila dahil sa pagtapyas sa kanilang COVID-19 benefits sa pamamagitan ng One COVID Allowance.
Iginiit din ng mga miyembro ng JRRMMC Employees' Union, sa pamahalaan na gawing ₱15,000 ang buwanan nilang special risk allowance (SRA) dahil na rin sa panganib at hirap ng kanilang trabaho.
Kamakailan, nagpahayag ng pagkadismaya ang mga grupo rin ng mga nurses sa bansa dahil sa ipinatutupad na bagong allowance scheme para sa mga frontliners.
"We believed that our nurses and health workers have been shortchanged," idinahilan ni Filipino Nurses United (FNU) president Maristela Abenojar sa isang television interview.
"Instead of finding additional funding for the benefits due for our health workers, they tried to reduce the budget such that they have compromised the health workers' health and safety," reklamo nito.
Nauna nang inihayag ng Department of Health (DOH) na ang SRA at active hazard duty pay ay papalitan ng One COVID-19 Allowance na ayon sa ahensya ay mas komprehensibo at madaling makatugon.
"We strongly denounce the proposal for a one singular allowance now known as One COVID-19 Allowance for the health workers because we feel that this gives little regard to the selfless work and sacrifices exerted by our health workers in this time of pandemic," sabi pa ni Abenojar.