Ipinagtanggol ni Ogie Diaz si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo laban sa mga bayarang trolls na wala na umanong ginawa kundi siraan at pasamain ang imahe ni VP Leni.

Matatandaang nagsalita na si VP nitong Sabado, Enero 29, sa pang-uurirat sa kaniya umano ng kanyang mga kritiko sa naunang pahayag na siya at ang kanyang team ay nasa Marawi noong 2016 bago pa ang siege noong Mayo 2017.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/robredo-sinabing-naunahan-nila-ang-marawi-siege-daming-ingay-talagang-naunahan-namin/

“Daming ingay. Bakit daw sabi ko 2016 palang nasa Marawi na kami. Naunahan pa daw namin ‘yung siege," aniya sa kanyang Facebook post.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Si Ogie naman, agad na naibahagi sa kaniyang Facebook account ang Facebook post ni VP Leni noong Nobyembre 16, 2017 na magsisilbing resibo umano na bago pa man ang siege ay na-adopt na ng Angat Buhay program niya ang Marawi; kaya naman nang pumutok na ang siege, personal talaga siyang nagpupunta roon upang makita kung gaano kalaki ang pinsala.

Screengrab mula sa FB/Ogie Diaz

Screengrab mula sa FB/VP Leni

"Ayan po ang resibo. Para pag kinwestiyon, merong ipapakita," saad ni Ogie kalakip ang FB post ni VP Leni.

Aniya pa, expertise daw ng paid trolls na pasamain ang imahe ni VP Leni.

"Kaya me work na naman ang mga paid trolls kung paano nila ito ngayon babaliin at pasasamain si VP Leni Robredo. Expertise nila 'yan eh."

Mababasa sa FB post ni VP Leno noong Nobyembre 16, 2017 ang paglalarawan niya sa Marawi City nang bisitahin nila ng kaniyang team ang lugar, sa tulong ng mga sundalo.

Screengrab mula sa FB/VP Leni

"Today, I was able to visit the main battle area that was hardest hit during the clashes in Marawi City. It was overwhelming to see the extent of the damage left here by the siege."

"While the setback is disheartening, I believe it is high time for us to unite in making rehabilitation faster for this beautiful city. The ruins left by the clashes remind us that we must take the voices of the locals into consideration, and convergence is necessary to cover as much ground as possible in extending assistance to affected communities."

"We must also take this time to honor our soldiers for putting their lives on the line for the safety of our people."