Binigyan na ng booster doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang 130 na kawani ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at mga tauhan ng kanilang maintenance provider.
Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Enero 28, sinabi ni MRT-3 Officer-in-Charge, Assistant Secretary Eymard Eje, ang nasabing hakbang ay bahagi umano ng kanilang mandato upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa at pasahero.
“Tinitiyak talaga natin na bakunado ang ating mga empleyado dahil tayo sa hanay ng MRT-3 ang araw-araw na sumasabak para magserbisyo sa mga pasahero," sabi ni Eje sa isinagawang pagbabakuna sa East Avenue Medical Center sa Quezon City nitong Huwebes.
Kabilang din sa mga nag-booster ang mga security marshals, train drivers, ticket sellers, at station personnel.
PNA