Matapos mag-viral ang balita tungkol kay Lolo Narding Flores, 80 anyos na nakulong dahil sa reklamong 'pagnanakaw' ng mga mangga sa lote umano ng kapitbahay, isa sa mga nagbigay ng reaksyon dito ang tinaguriang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza.

BASAHIN: Xiang-10-kilong-mangga/

Sey pa niya, parang bet niyang bilhin ang lupain ng complainant.

"Sino ba may-ari ng lupa na ‘yan? Nasa abroad ba? Sa kanya nakapangalan? Naka-SPA ka ba? Magkano per sqm? 100 pesos? 150? Bilhin ko na lang para wala ng issue sa lintek na puno ng mangga na 'yan,” aniya sa kaniyang Facebook post.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gusto rin umano niyang bayaran ang piyansa ng matanda kung sakaling hindi pa rin ito makakalaya. Ngunit dahil umano sa pinagsama-samang tulong ng mga celebrity, concerned netizen, at mismong pulisya ng Asingan Police Station, ay pansamantalang nakalabas na sa piitan ang matanda.

Sa isa pang Facebook post, idinetalye pa ni Xian ang mga naganap simula nang maglabas ng warrant of arrest sa matanda hanggang sa makalaya na nga ito sa loob ng pitong araw na pagkakakulong.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

"MARITES UPDATE: ON 20 DECEMBER 2021, NAG-ISSUE NG WARRANT OF ARREST LABAN KAY LOLO NARDING ANG 7TH MCTC OF ASINGAN, PANGASINAN. LAST JANUARY 12 NAMAN AY NAG-FOLLOW UP YUNG COMPLAINANT SA PULISYA KAYA THE NEXT DAY AY INARESTO NILA ANG KAWAWANG MATANDA."

"AFTER 7 DAYS SA PRESINTO, NAG-VIRAL SA SOCIAL MEDIA ANG KASO NI LOLO NARDING KAYA ANG GINAWA NG PNP ASINGAN KAHAPON EH SILA ANG NAGBAYAD NG PIYANSA PARA HINDI MAGALIT SA KANILA ANG MGA PILIPINONG NAKIKI-SIMPATYA SA MATANDA. DAMAGE CONTROL KUMBAGA."

"SILA NGAYON ANG BIDA SA MATA NG MADLA. KUNG HINDI PA ITO NAG-TRENDING SA FACEBOOK KAHAPON AY BAKA NAMATAY NA LANG SA LOOB NG SELDA ANG KAWAWANG LOLO NA OCHENTA ANYOS."

Sa isa pang Facebook post ay nagbigay naman siya ng hugot at paalala sa mga netizen tungkol sa pagiging mahirap.

"Alam n'yo kung bakit nakulong si Lolo Narding nang dahil lamang sa pagpitas ng mangga?"

"1. Kasi yung pera na pang-areglo niya sa caretaker ng lupa ay sobrang barya."

"2. Kasi wala siyang pambayad sa abogado tapos umusad ang kaso hanggang sa naissuehan siya ng warrant of arrest."

"3. Kasi hindi siya makapangyarihan kaya dinampot at inaresto siya ng mga pulis sa kabila ng kanyang edad."

Napagtanto raw niya na kahit bali-baligtarin pa ang mundo, unfair talaga ang mundo pagdating sa estado sa buhay.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

"Masakit man isipin pero ang mundong ating ginagalawan ay pabor lamang sa mga mayayaman at makapangyarihan. Kapag ika'y isang maralita, unfair sa'yo ang mundo kahit balik-baliktarin mo pa ito."

"Kung nababasa mo 'to at isa kang dukha, you only have 2 options in life: Either manatili kang mahirap at magreklamo nang magreklamo kung gaano ka-unfair sayo ang mundo, or magpursigi kang makatawid sa kabilang dako hanggang sa ika'y maging mayaman kagaya nang ginawa ko. The choice is yours."