Viral ngayon sa social media ang tungkol sa 80-anyos na ikinulong dahil sa pagnanakaw umano ng 10 kilong mangga. Kaugnay nito, may patutsada si Senador Panfilo "Ping" Lacson tungkol sa isang government official na patuloy umanong nagnanakaw ng milyun-milyon sa public funds.

Sa isang tweet nitong Miyerkules ng gabi, Enero 19, ibinahagi ni Lacson ang "A tale of two thieves' na inihalintulad niya sa inarestong si Lolo Narding na nagnakaw umano ng 10 kilo ng mangga at sa isang government official X na umano'y patuloy na nagnanakaw ng milyun-milyon sa public funds.

"A TALE OF TWO THIEVES: Police arrested 80 year old Lolo Narding Floro for stealing 10 kilos of mangoes from a tree which he said he planted in what used to be his backyard," ani Lacson.

"Government official X keeps stealing millions in public funds. He is free traveling with police escorts," dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/iampinglacson/status/1483815456720887815

Ang tanong tuloy ng ilang mga netizens kung sino ang tinutukoy ng senador sa kanyang tweet.

"name reveal kase"

"uy, sino 'to? reveal! reveal! the people deserves to know. malay mo, in the fututre baka tumakbo, para hindi na uli iboto."

"“Government official” sino kaya iyun?"

"I feel sorry for lolo. Btw, can you drop the name?"

"cant drop name?"

"Name drop na yan Sen. @iampinglacscon"

Samantala, pansamantalang makalalaya na si Lolo Floro matapos makapagpiyansa mula sa inambag na pera mula sa pulisya at iba pang donor. Marami rin umano ang nagpadala ng tulong nang kumalat sa social media ang balita tungkol sa pangyayari.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/20/80-anyos-na-lolo-ikinulong-dahil-sa-pagnanakaw-ng-10-kilong-mangga/