Dapat makatanggap din ng special risk allowance (SRA) na ipinagkaloob sa mga health worker sa ilalim ng 2022 national budget at iba pang batas ang mga pharmacist at iba pang tauhan sa mga pribadong drug store na magsisilbing COVID-19 vaccination centers, panukala ni Senador Joel Villanueva nitong Miyerkules, Enero 19.

“Frontline health workers fighting against COVID should be entitled to and receive every benefit that the government can provide. It is their right, and the very least we can do to honor their dedication to end the pandemic,” sabi ng Tolentino, tagapamuno ng Senate Labor and Employment committee.

“If they get infected while doing their work, they should get free medical care and receive monetary compensation. This is what the law and common decency tells us to do,” dagdag niya.

Sa ilalim ng General Appropriation Act (GAA) para sa 2022, ang mga healthcare worker na tinamaan ng COVID-19 ay tatanggap ng P15,000 bilang kabayaran para sa banayad o katamtamang mga kaso; P100,000 para sa malala o kritikal; at P1 milyon kung magresulta sa kanilang pag.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Habang ang mga manggagawa sa mga pribadong parmasya ay hindi humihingi ng bayad para sa "mahalagang serbisyo publiko na kanilang gagawin, nararapat lang na ang gobyerno, gayunpaman, ang mag-alok sa kanila ng honorarium," aniya.

“Let’s emphasize the ‘honor’ in the ‘honorarium’, considering the risks they face at work, ” sabi ng senador.

Dagdag ni Villanueva, maaaring kunin sa P51 bilyon sa 2022 national budget para sa COVID-19 duty pay at pangangalagang medikal ng mga pampubliko at pribadong healthcare worker.

Ang P9 bilyon sa halagang nabanggit ay "immediately releasable" aniya, habang ang P42 bilyon ay maaaring pondohan ng excess revenues o mga bagong pautang.

Para mahikayat ang mas maraming tao na magpabakuna, ginamit ng gobyerno ang mga piling pribadong botika bilang mga lugar ng pagbabakuna, na may mga pharmacist na nagbibigay ng bakuna.

Ikinatuwa ni Villanueva ang hakbang na ito “as a good way of getting more people jabbed by making it easily accessible to the community and hopefully, not a day-long ordeal.”

“The more professionals joining the bakuna brigade, the sooner we’ll be able to meet our goal of inoculating 100 percent of the target population by the first week of May, and the sooner they get back to a healthy working environment,” sabi ni Villanueva.

Mario Casayuran