BAGUIO CITY - Dalawa ring kaso ng Omicron variant (B.1.1.529) ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala sa Baguio City kamakailan.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH)-Cordillera, na ang unang kaso ay naitala nitong Enero 15 na nagdulot umano ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Summer Capital ng Pilipinas.

Sa pahayag ng DOH sa rehiyon, ang unang kaso ay nagpositibo sa COVID-19, gayunman, ito ay asymptomatic at walang

travel history outside Baguio City sa loob ng 14 days bago nakuhanan ng specimen.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Ang nasabing specimen ay nakuha noong Disyembre 14, 2021 at lumitaw na ito ay positibo sa COVID-19 noong Disyembre 15.

Noong Disyembre 23, ipinadala rin ang specimen sa Philippine Genome Center (PGC) upang isailalim sa Whole Genome Sequencing (WGS) at lumitaw na ang virus ay isang Omicron variant nitong Enero 15.

Nakaramdam naman ng sintomas ng COVID-19 ang ikalawang dinapuan ng sakit atwala ring travel history sa labas ng Baguio City sa nakalipas na 14 na araw bago matuklasan ang sakit nito.

Kinuhanan ito ng specimen nitong Disyembre 22 at nagpositibo sa COVID-19 nitong Disyembre 24.

Kaagad ding ipinadala sa PGC ang specimen nito upang isailalim sa WGS nitong Disyembre 28 at lumitaw na positibo ito sa Omicron variant noong Enero 15.

Kaugnay nito, inihayag naman ngRegional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon at contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng dalawang nagpositibo sa Omicron variant.

“Very dramaticitong pagtaas ng kaso natin, sa nakalipas na isang linggo lamang ay naga-average na tayo ng 500 cases a day. Magiging critical pa ito sa mga susunod na linggo.Ang ating average daily attack rate ay nasa 80.1 percent, habang ang atingweekly growth rate ay 6.9 percent,” ayon naman kay City Mayor Benjamin Magalong nitong Miyerkules, Enero 19.

Aniya, ang pagtaas ng kaso ay resulta rin massive testing drive mula sa average na 1,300 reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests at 570 antigen tests na isinasagawa araw-araw.

Noong Enero 18, ay naitala sa lungsod ang mataas na kaso ng COVID sa magkakasunod na anim na araw.

Unang naitala ang 516 kaso noong Enero 13, na nalagpasan nito ang unang mataas na kaso noong Setyembre 18 2021 na 411.

Sinundan ito ng Enero 14 na 563; Enero 15 na 613; Enero 16 na 586; Enero 17 na 535 at 646 noong Enero 18.

Zaldy Comanda