Ibinasura na ng Commission onElections (Comelec) 2nd Division ang petisyongnagpapakanselasa kandidatura ni Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa pagka-pangulo sa 2022 National elections.

Ito ang ibinahagi ni Atty. Theodore Te, ang abogado ng mga civic leaders na pingungunahan ng paring si Christian Buenafe, na naghain ng petisyong nagpapakansela sa certificate of candidacy (COC) ni Marcos.

"The Second Division ruled that there was no ground to cancel Marcos Jr.’s COC on the ground of material misrepresentation," ayon kay Te.

Gayunman, tiniyak ni Te na maghahain pa sila ng motion for reconsideration sa Comelec en banc.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Nauna nang iginiit ng mga naghain ng petisyon na nakagawa si Marcos ng krimeng katulad ng moral turpitude at perjury matapos umanong ilahad ang mga maling impormasyon sa kanyang certificate of candidacy dahil nahatulan na ito sa kanyang kasong tax evasion ilag taon na ang nakararaan.