Naging bukas na aklat sa publiko ang COVID-19 journey ni Kapuso news anchor at journalist Arnold Clavio dahil ibinahagi niya sa kaniyang Instagram posts ang kaniyang lagay mula Day 1 hanggang sa Day 10.

Noong Enero 9, ibinahagi ni Arnold na positibo siya sa COVID-19, kahit na ilang beses siyang nag-negatibo sa mga unang antigen test niya, matapos ang exposure sa isang nagpositibo.

No description available.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Halos araw-araw ay nagpo-post si Arnold ng mga ganap niya sa buhay habang naka-isolate at nagpapagaling. Hanggang sa ikasiyam na araw ng kaniyang isolation ay positibo ang lumalabas sa kaniyang antigen test.

Sa ikasampung araw, dito na masasabing 'malaya' na si Arnold sa virus dahil negatibo na ang naging resulta.

Screengrab mula sa IG/Arnold Clavio

"I’m thankful for my struggle because without it I wouldn’t have stumbled across my strength," panimula ni Igan sa kaniyang thanksgiving post sa IG nitong Enero 16.

"Sa matinding pagsubok mo maaasahan ang mga tunay na kaibigan."

"At itong mga nagdaang mga araw ay hindi magiging madali sa akin at sa aking maybahay kundi dahil sa inyong lahat."

"Ang mga panalangin at mensahe, pangungumusta at tawag, ang nagsilbing bitamina para labanan namin pareho ang Omicron variant ng Covid19."

"Sa unang araw pa lang ay kasama ko na kayo sa pagharap sa hamong ito. Mga positibong mga pahayag na nagpalakas pa sa aming immune system."

"Kayo ang aming naging booster para mapagtagumpayan ito.'

Pinasalamatan niya ang mga mahal sa buhay at malalapit sa kaniya na nagbigay ng lakas ng loob sa kaniya habang nakikipaglaban sa virus.

"Sa aking pamilya, mga mahal sa buhay, kaanak, katrabaho, kalaro at lalo na kayong mga Kapuso, mga viewer, listener at reader ko at follower sa Instagram (@akosiigan) at Facebook (@iGanclavio), maraming-maraming salamat po. Kayo ang aking naging lakas at sandigan."

May 'buwelta' naman siya sa mga taong nagsabi na sana raw ay lumala ang kaniyang kalagayan at mamatay na siya.

"Sa mga umasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay. Nawa’y hindi ninyo maranasan ang nararanasan ngayon ng marami sa Pilipinas at sa buong mundo. Kalakip ang kaliwanagan ng isipan at mabatid na tayong lahat ay may pananagutan sa piling Niya."

"Marami akong natutunan sa panahon ng pag-iisa. Makatitiyak kayo na isang mas matalino at mas mabuting nilalang ang magbabalik."

"Misyon kong maging instrumento ni Ama na sa gitna ng pandemic, ang ikalat natin ay ang pagmamahalan at hindi galit, kalinga at hindi inggit, pag-asa at hindi kalungkutan, katotohanan at hindi paninira’t kasinungalingan."

"Maging handa tayong lahat!!!"

Sa ikalabing-isang araw ng kaniyang isolation, mukhang pabuti na nang pabuti ang kaniyang lagay. Nasa normal na ang kaniyang temperatura at oxygen level, bagama't kailangan pa umano niyang magpalakas dahil nariyan pa rin ang ubo at sipon.

"Salamat sa Diyos. Negative na naman ang lumabas na resulta sa antigen test ko kanina. Pero, huwag magpakampante. Kailangan ko pang magpalakas dahil nananatili pa rin ang ubo at sipon. Patuloy ang dasal sa lahat pa rin na may hinaharap na banta ng Covid19 virus. Kanina nakapagsimula na ulit ako sa @dzbb594."

Screengrab mula sa IG/Arnold Clavio

Screengrab mula sa IG/Arnold Clavio

"Kailangan pa ng ilang araw na pahinga para magkasama-sama na tayo sa Unang Hirit at Saksi. Muli salamat sa inyong mga naging panalangin. Panginoon, salamat."