CAMP OLA, Albay-- Winakasan ng isang pulis ang kanyang buhay matapos barilin ang kanyang asawa at ang kanilang tatlong taong gulang na anak sa kasagsagan ng pagtatalo ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Virac, Catanduanes noong Sabado ng madaling araw, Enero 15.

Ayon kay Police Major Malu Calubaquib, Police Regional Office 5 (PRO-5) spokesperson, Binaril ni alias "Jay," 25,  isang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP), ang kanyang asawa na si "Joy," 28, gamit ang 9mm service pistol.

Natamaan din ng bala ang kanilang tatlong taong gulang na anak na buhat ng kanyang ina.

Gamit ang parehong baril, pinaputukan ni alias Jay ang kanyang ulo.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

“Sa gitna ng pagtatalo ay bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang 28-anyos na asawang si “Joy” habang nakatalikod na tumagos sa karga nitong bata. Matapos ang insidente ay nagpatiwakal din ang suspek gamit ang service firearm nito,” ani Calubaquib.

Isinalaysay ni Calubaquib na nangyari ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw nang makauwi ang pulis sa kanilang bahay matapos makipag-inuman.

Dagdag pa niya, may buhay pa ang bata nang madatnan ito ng mga pulis at agad dinala sa ospital ngunit ito ay idineklarang dead on arrival.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang selos umano ang nagbunsod ng argumento, ngunit sinabi ni Calubaquib na magsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya.

“Ikinalungkot ng pamunuang ng Catanduanes Police Provincial Office sa pangunguna ni provincial director Police Colonel Benjamin B.

Balingbing, Jr (ang nangyari). Ipinaabot din nito ang pakikiramay sa pamilya. Nagpaalaala din siya na maging responsable sa paggamit ng baril. Ilang interbensyon ang isasagawa ng pamunuan kaugnay ng insidente,”