Bubuksan ng Maynila ang libreng drive-thru booster vaccination campaign para sa mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers simula Lunes, Enero 17.
Sa Lunes, magbubukas ang drive-thru vaccination sa Bagong Ospital ng Maynila katabi ng Manila Zoo sa Malate, Manila simula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
Ang mga jeepney driver, tricycle driver, delivery van driver, taxicab driver, at iba pang pUV drivers ay kwalipikadong makakuha ng libreng booster vaccination at kailangan lamang dalhin ang kanilang vaccination card.
Lahat ng brands ng bakuna ay available sa mga vaccination site.
Samantala, pinalawig ng Maynila ang aktibong drive-thru booster vaccination programs para sa mga two-wheel vehicles sa Bonifacio Shrine sa Ermita, Manila, at ang 24-hour drive-thru para sa mga four-wheel vehicles sa Quirino Grandstand hanggang ngayong Linggo, Enero 16.
Seth Cabanban