Kumikilos na ang National Bureau of Investigation (NBI) para tulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa imbestigasyon nito sa umano'y pag-hack sa mga server ng poll body.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra na nagsimula kaagad ang cybercrime division at special project team ng NBI sa kanilang mga nakatalagang trabaho sa kahilingan ng Comelec.

“Today (Jan. 15), the NBI conducted a physical security inspection of the Comelec facilities in Laguna, together with representatives from Smartmatic and the Comelec,” ani Guevarra.

“Certain documents were turned over to the NBI for validation and authentication. A through investigation is now in progress,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Natuklasan ng Technews team ng Manila Bulletin na isang grupo ng mga hacker ay nag-hack sa mga server ng Comelec, na umano'y maaaring nag-download ng higit sa 60 gigabytes ng data.

Kabilang sa mga naiulat na nai-download ay ang mga username at PIN ng vote-counting machines (VCM).

Agad na ipinaalam ng Technews team ng MB sa Comelec Spokesperson James Jimenez ang mga natuklasan nito.

Noong nakaraang Lunes, Enero 10, sinabi ni Jimenez na sinimulan na nilang i-validate ang ulat ng MB Technews.

Sinabi ni Jimenez na mahalagang i-verify ng poll body ang naturang ulat.

Ani Jiminez, “When you say data breach in Comelec, people will really get nervous. That’s why it is important to us that we validate it and in case the report is wrong, of course someone will be responsible for that … because all of a sudden they issue a report without verification.”

Ilang grupo ang nanawagan para sa masusing pagsisiyasat sa insidente ng hacking.

Sinabi ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na ang napaulat na pag-hack sa mga server ng Comelec ay dapat na ganap na maimbestigahan at malutas sa lalong madaling panahon.

Rey Panaligan