Nagdeklara na si San Juan City Mayor Francis Zamora ng isang linggong health break sa lungsod para sa kanilang mga estudyante at mga guro, kasunod nang mabilis na pagdami ng mga taong dinadapuan ng COVID-19 cases sa bansa.

Inanunsyo ni Zamora nitong Biyernes ng gabi na inisyu niya ang Executive Order No. FMZ 106, Series of 2022, na nagsususpinde ng online at physical classes sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod, mula Enero 15 hanggang 22, 2022.

Ayon kay Zamora, layunin ng health break na mabigyan ng panahon ang mga estudyante at mga guro na makarekober mula sa epekto nang tumataas na impeksyon ng COVID-19.

“This is to give respite to sick or infected students, teachers and staff and have a necessary health break for schools and academic institutions for them to be able to recover from the effects of the very high number of COVID-19 cases that Metro Manila and the entire Philippines is currently experiencing,” anang alkalde, sa kanyang Facebook post.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nauna rito, una na ring nagsuspinde ng klase ang mga lungsod ng Maynila, Marikina, Pasay, Valenzuela at Antipolo dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang nasasakupan.

Mary Ann Santiago