Tila may patutsada si Senador Panfilo "Ping" Lacson tungkol sa kapwa presidential aspirant nito na si Vice President Leni Robredo, aniya "never" siyang na-latesa mga meetings nila at ilang beses umano na-late ang bise presidente.
Sa isang tweet nitong Biyernes, Enero 14, 2022, ibinahagi ni Lacson ang mga katangian ng isang leader na kailangan ng bansa.
"The leader we need must be super anti: anti-corruption; anti-incompetence; anti-indolence; anti-dishonesty; anti-entitlement; anti-arrogance; anti-greed; anti-tardiness - because good, genuine public service deserves a break," ani Lacson.
May isang Twitter account ang nag-retweet ng sinabi ni Lacson, ayon sa tweet, "Thanks for this, @iampinglacson. along with your other tweets similar to this, I reckon you are actually referring to @lenirobredo as the leader we need. I fully agree."
Sinagot naman ni Lacson ang naturang tweet at tila may patutsada kay Robredo.
"I’m sorry. I said, anti-incompetence and anti-tardiness - among others," ani presidential aspirant.
"I was NEVER late in my meetings with her. She was, a couple of times," pagbibigay diin ni Lacson na tumutukoy umano kay Robredo na ilang beses nang na-late sa kanilang meeting.
Samantala, wala pang pahayag si Robredo tungkol sa naturang tweet ni Lacson.
Si Senador Ping Lacson aytatakbo bilang pangulo ngayong 2022. Katandem niya Senate president at vice presidential candidate Vicente Sotto III.