Hindi napigilan ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz na ipahayag ang kaniyang reaksyon sa napabalitang panukalang batas na inihain ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., na amyendahan ang termino ng pangulo, pangalawang pangulo, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa Facebook post ni Ogie, "Pagpahingahin mo rin ang Pangulong Duterte, kuya. Saka dapat nagpapalit ng public official kada eleksyon para nagtatrabaho talaga sila at ang goal nila ay maiboto sila sa susunod."
"Hindi lang ikaw o kayo ang anak ng Diyos."
"In short, ipahinga mo po 'yang idea mo."
Sa Resolution of Both Houses No. 7, nais niyang mag-convene ang Senado at House of Representatives sa isang constituent assembly upang amyendahan o repasuhin ang ilang political provisions ng 1987 Constitution.
Sa kaniyang panukala, ang Pangulo ay magkakarooon ng limang taong termino at isang re-election o may kabuuang 10 taon, kaysa sa anim na taon na walang re-election. Ganoon din naman sa Pangalawang Pangulo.
"A six-year tenure is too short for a good President, especially if he is confronted with a crippling crisis like the COVID-19 pandemic, which continues to wreak havoc on our health and economy and whose end is not yet in sight," katwiran ni Gonzales.