Handang magsagawa ng malawak na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa umano'y paghack sa mga server ng Commission on Elections (Comelec), ayon kay Justice Secretary Menardo I. Guevarra nitong Martes, Enero 11.

“We’ll let the Comelec finish its own internal probe. If a wider investigation is found necessary and NBI assistance would be useful, we’d gladly oblige,” ani Guevarra.

Matatandaang ang Technews team ng Manila Bulletin ang nakadiskubre ng umano'y hacking ng Comelec servers at nagdownload umano ng mahigit 60 gigabytes ng data.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/10/comelec-servers-na-hack-mga-downloaded-data-posibleng-makaapekto-sa-2022-elections/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/10/comelec-servers-na-hack-mga-downloaded-data-posibleng-makaapekto-sa-2022-elections/

Politics

13 senador, 'backer' na ni Tito Sotto sa pagiging Senate President—Lacson

Kabilang sa mga nadownload ay ang mga username at PINS ng vote-counting machines (VCM).

Agad na ipinagbigay alam ng MB Technews team kay Comelec Spokesperson James Jimenez ang mga natuklasan nito. 

Jeffrey Damicog