BAGUIO CITY - Nakapagtala na naman ang lungsod ng 200 na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Sabado, Enero 8.

Ito ang inihayag ni City Epidemiology ang Surveillance Unit (CESU) chief, Dr. Donnabel Panes, at sinabing unti-unti na namang lumolobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar matapos ang holiday season.

Dahil dito, pumalo na aniya sa 625 ang active cases ng kaso nitong Sabado. Nauna nang naitala ng siyudad ang 427 na bagong kaso nitong Enero 1 na ikinabahala ng mga health officials sa Summer Capital ng Pilipinas.

Pinangangambahan din nila ang posibleng pagpasok ng Omicron variant na ang projection ay tinatayang nasa 250-280 cases daily ang maitatala sa pagdaluyong nito.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Kinokonsidera na muling posibleng maulit ang mataas na kaso noong nakaraang taon dulot ng pagdaluyong ng Delta variant na kung-saan ay marami ang severe cases at namamatay, na ang mga biktima ay mga hindi bakunado.

“We might be expecting a big number of cases but what we would like to see is less people having severe symptoms and being hospitalized with the success of our vaccination program and the sustained control measures set in place by the city,” aniya.

Paliwanag naman ni City Mayor Benjamin Magalong, nasa banta ng Omicron variant ang lungsod kahit na sinasabi na ito’y less severe illness, na dapat pa ring paghandaan, dahil sa mas mabilis na makahawa itp.

“Omicron is highly transmissible as seen in other countries experiencing exponential increase in case reproduction number. It is a challenging variant that is why we cannot take it lightly.While some say it is less severe, let’s not be complacent about because it can still overwhelm our health system and it will be our greatest challenge because if our health workers are affected, the implication will be felt by other sectors,” pahayag pa ng alkalde.

Zaldy Comanda