Si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula angmangungunasa concelebrated Mass na idaraos para sa pista ng Itim na Nazareno ngayong Linggo, Enero 9, 2022.
Sa isang pahayag ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, nabatid na dakong alas-4:00 ng madaling araw idaraos ang banal na misa sa basilica sa pangunguna ni Cardinal Advincula.
Matapos umano ito, magdaraos rin ang simbahan ng nakaugaliang hourly mass sa buong araw ng kapistahan ng poon.
Hindi naman pinapayagan ang pisikal na pagdalo sa mga naturang banal na misa mula noong Enero 7 hanggang 9 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila, ngunit ang lahat ng mga ito ay naka-livestreamed naman at maaaring mapanood sa social media accounts ng Quiapo church.
Una na ring sinuspinde ng Quiapo Church at Manila City government ang pagdaraos ng tradisyunal na Traslacion para sa Poong Nazareno dahil maaari anila itong dumugin ng mga deboto at maging superspreader events ng COVID-10.
Mary Ann Santiago