Maituturing na 'lesson-learned' umano sa showbiz columnist-vlogger na si Ogie Diaz ang pagkakadawit sa isinampang cyber libel case ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Representative Claudine Diana Bautista-Lim mula laban sa kanila nina Agot Isidro, Pokwang, Enchong Dee, at iba pang mga indibidwal.

Nauna nang ibinasura ng prosecutor's office ang reklamo sa kanila nina Agot at Pokwang dahil opinyon lang naman daw ito, bagama't naiwan sa balag ng alanganin si Enchong na naihain na nga ang kaso sa Davao Occidental. Matatandaang nagpahayag sila ng kani-kanilang mga tweets matapos ang pinag-usapang marangyang kasal ng representative sa longtime boyfriend nitong si Tracker Lim.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/28/prosecutors-inihain-na-ang-1b-cyber-libel-case-kay-enchong-agot-pokwang-at-ogie-diaz-nakalusot/

Na-corner ng entertainment press si Ogie nang magdaos ito ng birthday lunch sa Tiger Winx restaurant sa Panay Avenue, Quezon City para sa mga kaibigan niyang taga-media. Dito ay hindi na siya nakaiwas sa pang-uurirat ng mga kasamahan sa showbiz press tungkol sa kaniyang masasabi hinggil sa isyu.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Aminado si Ogie na hangga't maaari ay iwas siyang talakayin ang isyu sa kaniyang showbiz vlog na 'Showbiz Update' dahil hindi lahat sila ay abswelto sa kaso, dahil nga naiwanan si Enchong na hanggang ngayon ay tahimik pa rin sa isyu. Hindi raw ganap ang kaniyang pagbubunyi.

“Siyempre sad ako for Enchong pero sana maayos, sana ganoon din ang kalabasan ng tulad sa amin. Pero hindi pa tapos kasi depende na lang kung may aapela,” paliwanag ni Ogie.

Hindi pa raw niya nakakausap si Enchong tungkol sa nasabing kaso at hindi rin umano niya kilala nang personal si Congresswoman Claudine Lim.

Kaya naman, isang malaking realisasyon umano sa kaniya ang nangyari lalo't mahilig talaga siyang magbigay ng opinyon sa social media.

“Oo naman lesson learned to all of us na kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman libelous o ano, eh, meron naman palang masasaktan sa naging opinyon ko,” aniya.

Ang huling nakatikim ng kaniyang direktang opinyon ay ang pagsasabi niyang hindi umano masarap ang produktong cochinillo ni Marvin Agustin, na kamakailan lamang ay umani ng katakot-takot na kritisismo mula sa kaniyang mga customers.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/02/ogie-kumambyo-humingi-ng-dispensa-sa-opinyon-hinggil-sa-cochinillo-ni-marvin/">https://balita.net.ph/2022/01/02/ogie-kumambyo-humingi-ng-dispensa-sa-opinyon-hinggil-sa-cochinillo-ni-marvin/

Humingi na rin naman siya ng paumanhin kay Marvin at sa lahat ng mga netizen na hindi nagustuhan ang unsolicited advice niya kay Marvin na i-refund ang bayad ng mga customers na nagreklamo sa kaniyang paninda.