Isinapubliko ni dating Senator Joseph Victor "JV" Ejercito nitong Lunes, Enero 3, na nahawaan din siya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at sumabay pa ito sa pagtaas pa ng bilang ng kaso ng sakit sa Metro Manila.
Nananalangin din si Ejercito na makarekober na sa sakit ang tinamaan din sa virus na si Navotas City Mayor Toby Tiangco.
"Pareng @TobyTiangco get well soon! Sabay pa tayong nag positive! Bilis kumalat nitong Omicron pero buti na lang mild lang siya! Ingat lang lahat!" bahagi ng tweet nito.
Ito aniya ang unang pagkahawa nito sa COVID-19 at nagkaroon lamang siya ng mild symptoms.
"Pero it's mild, after two days wala na ako fever or other symptoms," sabi pa nito.
Si Ejercito ay kumakandidato sa pagka-senador sa 2022 national elections.