Pormal nang inihain ng Prosecutor's Office sa Davao Occidental ang cyber libel case na isinampa ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim, party-list representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER, laban kay Kapamilya actor Enchong Dee.

Nauna nang lumabas nitong Disyembre 27 ang balitang sumampa na sa piskalya ang complaint ni Bautista-Lim, subalit nitong Disyembre 28 ay nakumpirma na nga ang pormal na paghahain nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/27/₱1b-cyber-libel-case-kay-enchong-dee-sumampa-na-sa-korte/

Nag-ugat ang reklamo sa ikinasal na party-list representative dahil umano sa malisyoso at mapanirang mga komento na ginawa ng aktor sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account patungkol sa kasal nito sa fiance na negosyanteng si Jose French 'Tracker' Lim na ginanap sa Balesin Island Club, na isang exclusive resort sa Quezon Province.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/11/enchong-dee-kakasuhan-ng-₱1-b-libel-case/

Sa kabilang banda, humingi na ng paumanhin si Enchong sa social media at inamin ang kaniyang pagkakamali. Subalit 'ika nga ay 'the damage has been done' dahil mukhang seryoso ang mambabatas na ituloy ang kaso sa kaniya matapos umanong malagay sa alanganin ang kaniyang ipinagbubuntis.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/18/enchong-dee-kay-puv-driver-party-list-rep-bautista-i-take-full-responsibility-for-my-lapse-in-judgment/

Ibinasura naman ang complaints sa anim na personalidad, kabilang ang mga celebrities na sina Agot Isidro, Pokwang, at Ogie Diaz na nag-tweet din tungkol dito, subalit ito ay freedom of expression lamang, at hindi umano kagaya kay Enchong, na sinabi niyang galing sa pondo ng DUMPER ang ginamit sa marangyang kasal. Abswelto rin sa kaso ang tatlo pang indibidwal na sina Deedee Marie Holliday, Kristina Mae Misajon, at Jane Doe.

Tweet ni Agot: "That gown alone can feed hundreds (sic) of families of displaced drivers. And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista?"

Saad naman ni Pokwang: "Ok ano na? ang class ng representatives ng mga drivers ha… naka Michael Cinco na wedding gown… edi wow!!!! BONGGA KA DAI! BONGGA KA DAI!! Beep! Beep! Tabiiiii!l Ang masagasaan edi sorry…"

Pahayag naman ni Ogie: "Grabe si Ate na representative ng mga Drivers. Baka naman me accomplishments siya during pandemic. Pakilatag ang resibo."

“Considering that these tweets are mere expressions of disapproval (or disgust, if you may) at varying degrees on the action, this Office could not attribute malice and ill motive to the said respondents who have taken upon themselves to be the so-called watchdogs of our society,” bahagi ng resolusyon na inaprubahan ni Davao Occidental Provincial Prosecutor Marte Melchor Velasco.

Ngunit ibang-iba raw kasi ang dating ng tweet ni Enchong. Diretsahan niyang sinabi na ang pera ng mga commuters at drivers ay napunta sa naturang kasal.

"The money for commuters and drivers went to her wedding. Let us not prolong this conversation and don’t say otherwise," tweet ni Enchong noong Agosto 14.

Pahayag naman ng mga Davao Occidental prosecutors na sina Socrates Gersava, Eleanor Dela Pena, and Marie Kristine Reginio, "Calling someone a thief, without proof and with heavy malice, is where to draw the line as this is already libelous."

Humihingi si Claudine ng moral damages na nagkakahalagang ₱500,000,000 kasama ang exemplary damages na nagkakahalaga rin ng ₱500,000,000, kaya aabot ito sa ₱1B.

Samantala, hanggang ngayon ay tahimik ang kampo ni Enchong hinggil sa isyu.