Nanguna sina presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio sa Tugon ng Masa Q4 Survey ng OCTA Research na isinagawa noong Disyembre 7 hanggang Disyembre 12, 2021.

Sa kabuuan, nakakuha ng 54 na porsyento si Bongbong Marcos habang pumangalawa naman si Leni Robredo na 14 na porsyento at sinundan ni Isko Domagoso na 12 porsyento. Manny Pacquiao, 10 porsyento; Ping Lacson, limang porsyento; Ernie Abella, 0.02 porsyento at Leody De Guzman, 0.001 porsyento. 

Sa National Capital Region (NCR), namayagpag si Marcos na 37 na porsyento, sinundan ito ni Domagoso na 20 porsyento; Lacson, 18 porsyento; Robredo, 7 porsyento; Pacquiao, 2 porsyento.

Nanguna rin si Marcos sa Luzon na may 57 porsyento; Robredo, 17 porsyento; Domagoso, 10 porsyento; Pacquiao, 7 porsyento; at Lacson, 4 na porsyento.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa Visayas. nakakuha si Marcos ng 50 porsyento; Robredo, 17 porsyento; Domagoso, 15 porsyento; Pacquiao, 13 porsyento; at Lacson, 5 porsyento.

At sa Mindanao, nakakuha ng mataas na pre-election vote si Marcos na 63 porsyento, sinundan ni Pacquiao na 18 porsyento, parehong 8 porsyento sina Robredo at Domagoso, at 2 porsyento si Lacson.

Nasa limang porsyento naman ang "undecided."

Samantala, namayagpag sa vice presidential preference ang ka-tandem ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may 50 porsyento. 

Sinundan ito ni Vicente Sotto III na 33 porsyento, siyam na porsyento kay Kiko Pangilinan, apat na porsyento kay Doc Willie Ong, isang porsyento kay Lito Atienza, at 0.07 porsyento kay Walden Bello.

Sa National Capital Region (NCR), nanguna si Sotto ng 49 na porsyento na sinundan si Duterte ng 40 porsyento. Nakakuha si Ong ng limang porsyento, tatlong porsyento si Pangilinan, at dalawang porsyento kay Atienza.

Nakakuha ng 44 na porsyento si Duterte sa Luzon habang 35 porsyento kay Sotto. Nakakuha naman ng 10 porsyento si Pangilinan, tatlong porsyento kay Ong, at isang porsyento kay Atienza.

Sa Visayas, 46 na porsyento ang nakuha ni Duterte, 36 na porsyento kay Sotto, 12 porsyento kay Pangilinan, anim na porsyento kay Ong, at wala namang nakuhang boto si Atienza.

Pinatunayang muli ni Duterte na balwarte niya ang Mindanao nang makakuha ito ng 71 porsyento dahil dito siya nakakuha ng pinakamataas na porsyento kaysa sa NCR, Luzon, at Visayas.

Sinundan ito ni Sotto na 17 porsyento; Pangilinan, pitong porsyento; Ong, apat na porsyento; at walang nakuhang boto si Atienza.

Nasa apat na porsyento naman ang "undecided" sa vice presidential preference.

Ang mga resulta ay base sa sagot ng mga ininterview na 1,200 registered voters sa bansa.

Matatandaang nanguna rin ang BBM-Sara Tandem bilang presidential at vice presidential picks sa isinagawang survey ng Publicus Asia noong Nobyembre 16 hanggang 18.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/19/marcos-duterte-tandem-nangunguna-sa-publicus-asia-survey/