Naobserbahan ang bahagyang pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) positivity rate sa National Capital Region (NCR), sabi ng OCTA Research group nitong Biyernes, Dis. 24.
Sa isang post sa Twitter, sinabi ng OCTA Research fellow na si Dr. Guido na bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa NCR nitong nakaraang linggo.
“The seven-day average positivity rate from Dec. 16 to Dec. 22 was 0.77. It was lowest at 0.62 from Dec. 12 to Dec. 18,”ani David sa isang tweet.
Sinabi ng eksperto na maaaring maiugnay ang “uptick” sa marami na muling pagtitipon sa gitna ng pagdiriwang ng kapaskuhan.
“Unfortunately, due to decreased testing over the holiday season, we will be unable to have a clear picture of the situation until the first week of January 2022,”dagdag ni David.
Samantala, inulit ng OCTA ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards tulad ng wastong pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng social distancing habang ine-enjoy ang bakasyon upang maiwan ang posibleng hawaan ng COVID-19.
Charlie Mae F. Abarca