Kasunod ng chart-topping collaboration ng Filipino-American producer Troy Laureta at Awit-winning Kapamilya singer Jona Viray, tila tuloy na ang pagbabalik-entablado ng tinaguriang "Fearless Diva" matapos mag-perform sa isang fundraising concert ng ABS-CBN nitong Huwebes.

Basahin: Collab ni Troy Laureta at Jona, nanguna sa isang Philippine music chart – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang Abril pa nitong taon huling nakitang nagperfrom si Jona sa Sunday musical variety show na “ASAP Natin ‘To.”

Matapos ang matagumpay na interpretation sa orihinal na kantang “Someone To Love Me” sa OPM collective ni Troy, tila nabuhayan muli ang Kapamilya singer sa kanyang interes sa pag-awit sa entablado.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Si Jona ang nagbukas ng “Tulong sa Pag-ahon: Andito Tayo Para sa Bawat Pamilya,” isang fundraising show ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao kamakailan.

Maging ang host na Robi Domingo ay aminadong na-miss ang pagbabalik ni Jona matapos magpahinga ng walong buwan.

Sa kanyang repertoire, madamdaming inawit at binirit ni Jona ang inspirational pieces na “Man In The Mirror,” “Stand Up For Love” at “Grown Up Christmas List.”

Si Jona ang nagpasikat sa mga kantang “Maghihintay Ako,” “Sampu,” “Tinatapos Ko Na” bukod sa iba pa.