Muling itatayo ng Duterte administration sa abot ng makakaya nito ang mga lalawigang hinagupit ng Bagyong Odette.

Ito ang sagot ni Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa isang virtial press conference nitong Miyerkules, Dis. 22 kung saan tinanong siya kung maaari bang matapos ang rehabilitasyon sa VisMin bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

“We will work on this as fast as possible. Obviously this administration is only up to June 30, 2022…So we commit to work hard and fast and we will try to complete whatever we can,” ani Nograles.

“Given the extent of the damage, given all of the recovery and rehabilitation efforts that we need to put in place, begin, start and complete within six months, kung anong makakayanan po natin ay gagawin po natin ang lahat ng kaya nating gawin,” sabi ng opisyal ng Palasyo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Nitong Martes, isinailalim ng Pangulo sa state of calamity ang Rehiyon IV-B, VI, VII, VIII, X at XIII kasunod ng malawakang pinsala ni Odette, ang pinakamalakas na tumamang bagyo sa kalupaan ng Pilipinas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang pinsalang natamo ng bansa mula sa sakuna bago ang Pasko.

Sa kabila ng kanyang pahayag, sinubukan ni Nograles na magbigay ng higit na pananaw hinggil sa bagong rehabilitation task ng pambansang pamahalaan.

“We are facing this challenge plus the challenge of totally eradicating COVID-19 plus the threat of other variants. At the end of the day kailangan po nating magtulungan ditto. Hindi lang pwede na nakaatang lamang sa balikat ng iilan, o ng pamahalaan lamang. Kinakailangan po natin ng suporta at tulong ng bawat isang Pilipino para rito,” ani Nograles.

Gayunpaman, positibo pa rin si Nograles na makakamit ng administrasyon ang pagsasaayos ng rehabilitasyon sa limitadong oras na nalalabi nito.

“But at the end of the day, once we turn this over to the next administration ay marami na po kaming nasimulan, may mga natapos na, may mga nagawa. And sana ay ipagpatuloy lamang ng susunod na administration ang lahat ng,” dagdag ni Nograles.

Taong 2016 nang umupong Pangulo si Duterte matapos ang mahabang panunungkulan bilang alkalde ng Davao City.

Ellson Quismorio