Mahigit 3.4 milyong dosis ng Pfizer-BioNTech vaccine laban sa COVID-19 ang natanggap kamakailan ng Pilipinas mula sa Amerika.

Sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Acces (COVAX), nagdonate ang Amerika ng karagdagang 3,400,20 na dosis ng Pfizer vaccines na dumating sa bansa noong Disyemrbe 20 at 21 sa dalawang magkahiwalay na kargamento.

May kabuuang 1,776,060 na dosis ang dumating noong Disyembre 20 habang ang isa pang 1,623,960 na dosis ay naihatid noong Disyembre 21.

Ayon kay US Embassey in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim (CDA) Heather Variava, ang bagong batch ng vaccine doses ay “ang pinakamalaking solong donasyon ng Pfizer vaccine sa Pilipinas mula sa 500 milyon na ginawang available ng Amerika.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Today, I’m pleased to welcome more than 3.4 million U.S.-donated Pfizer vaccines as part of this effort. As the new year draws to a close, we hope these vaccines will help protect our Filipino friends, partners, and allies and usher in a new year of health and prosperity,” sabi ni Variava sa paglapag ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinamahalaan ng United States (US) ang paghahatid ng higit 53 milyong COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas, kabilang ang higit 22 milyong dosis na naibigay ng mga Amerikano.

“The vaccines donated by the United States are enough to fully vaccinate one-in-ten Filipinos,” sabi ni Variava.

Aniya pa, nagbigay ng higit sa P1.9 bilyon ($39 milyon) na COVID-19 assistance ang pamahalaan ng Amerika sa Pilipinas upang suportahan ang testing, pangangalaga, kampanya sa komunikasyon, proteksyon at pagsasanay ng health workers, vaccine deployment at mahahalagang kagamitan at suplay.

Ipinaabot din ng American ambassador ang simpatya sa mga Pilipinong apektado sa pananalasa ng Bagyong Odette at nangakong magbibigay ng agarang tulong.

“The United States extends our heartfelt sympathies to those affected by Typhoon Odette. We are supporting ongoing Philippine response efforts and exploring ways to further assist communities in need. We also remain committed to partnering with the Philippines to protect Filipinos from COVID-19,” sabi ni Variava.

Betheena Unite