Ang Metro Manila, kabilang ang 15 nitong local government units (LGUs) ay inuri na ngayon sa ilalim ng “very low risk” classification ng COVID-19 habang dalawa sa mga LGU nito ay nananatili sa “low risk” classification, ayon sa OCTA Research group.

Sa pinakahuling ulat nitong Martes, Dis. 21, sinabi ng grupo ng mga eksperto na ang rehiyon ay mayroong 79 na bagong kaso ng COVID-19 bawat araw mula Dis. 14 hanggang Dis. 20. Nagtala rin ang Metro Manila ng average daily attack rate (ADAR) na 0.55 sa bawat 100,000 populasyon habang ang reproduction rate ay nanatiling mababa sa 0.48.

“The National Capital Region’s [NCR} test positivity rate was just 0.6 percent. NCR had an average of 18,127 reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) tests over the past seven days,”sabi ng OCTA.

Binanggit din ng mga eksperto na ang buong rehiyon, kabilang ang 15 sa mga LGU nito na pinangalanang Pateros, Muntinlupa, Navotas, Caloocan, Marikina, Pasay, Taguig, Quezon City, Mandaluyong, Pasig, Malabon, Parañaque, Valenzuela, Manila, at Makati ay itinuturing nang “very low risk classification.”

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Samantala, dalawang LGU lamang, ang Las Pinas at San Juan, ang nanatili sa “low risk” classification ng COVID-19.

Ayon sa mga eksperto, ang datos na ipinakita ay nakuha mula sa DataDrop ng Department of Health (DOH) habang idinagdag nila na ang “risk levels” na inilarawan sa kanilang ulat ay hindi “reflective” ng mga alert level na inisyu ng DOH at Inter-Agency Task Force (IATF).

Batay sa datos ng DOH noong Dis. 20, umabot sa 2,837,730 ang kabuuang bilang ng COVID-19 infections sa bansa. Sa naturang bilang, 2,777,354 ang nakarekober habang 50,784 ang nasawi.

Charlie Mae F. Abarca