CEBU CITY – Tiniyak ng mga power stakeholder sa Cebu na maibabalik nila ang suplay ng kuryente sa loob ng isang linggo sa ilang bahagi ng lalawigan na ngayo’y nasa state of calamity matapos manalasa ng Bagyong Odette.

Nakipagpulong kay Gobernador Gwendolyn Garcia nitong Sabado ng hapon ang mga kinatawan ng Visayan Electric Co. (VECO), Cebu Electric Cooperative (CEBECO) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Larawan mula sa Facebook user: Dadz Lab

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pagbabahagi ni VECO president and chief operating officer Raul Lucero, sila ay “mahigpit na nakikipagtulungan” sa NGCP, na naghihintay din ng suplay mula sa Leyte upang paunang maibalik ang linya ng kuryente sa ilang mga lugar sa Cebu sa pamamagitan ng mga power distributor kagaya ng VECO at CEBECO.

Sinabi ni Lucero na nililimas at sinusuri ng VECO, ang pinakamalaking distributor ng kuryente sa Cebu, ang mga apektadong poste ng kuryente.

Patuloy din ang pagsusuri ng NGCP sa pinsala sa mga transmission tower nito, kabilang sa mga hamon sa pagpapanumbalik ng kuryente.

Inaprubahan din ni Garcia ang pagbili ng 40,000 sako ng bigas sa National Food Authority (NFA) para sa relief efforts habang ang food packs at tubig ay isa sa mga ipapamahagi.

Inialok ng mga kontratista ang kanilang kagamitan para mapabilis ang paglilinis at sa kahilingan ni Garcia, ang mga trak ay tutulong din sa paghahatid ng relief goods.

Philippine News Agency