Malapit nang madakip ang mga Facebook scammers na gumagamit ng pekeng social media account ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III upang makapanloko.

Babala ng opisyal, ginagamit ng mga scammers ang FB account na “Silvestre H. Bello III” upang makapag-solicit para sa pansariling kapakanan ng mga ito.

Gayunman, tiniyak ni Bello na bilang na ang mga araw ng mga ito dahil dadakpin na ang mga ito.

Tinatrabaho na aniya ito ng National Bureau of Investigation at anumang oras ay maisasapubliko na ang pagkakakilanlan ng mga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Our law enforcers are doing a great job. Arrests can be made earlier than expected. We renew our warning to those behind this nefarious scheme of soliciting gifts, in cash and in kind, that the long arm of the law will eventually catch up with them. Stop now and spare friends, acquaintances, and ordinary netizens from your evil designs," sabi nito.

Nanghihingi aniya ng pera ang nasa likod ng nabanggit na social media account para umano sa community pantry at kandidatura ni Bello na hindi naman kumakandidato sa pagka-senador.

“Given that this has become deliberate, the scam is seemingly intended to also damage my reputation,” pahayag pa ng opisyal.

PNA