Muling binalikan ni Catriona Gray, ang ikaapat na Pilipinang nakapag-uwi ng Miss Universe crown, ang kanyang journey sa prestihiyusong pageant tatlong taon matapos makoronahan.

“Crazy to think that 3 years ago today my dreams came true. And I'm infinitely proud to have represented and brought pride to my country, ??” ani Catriona.

Ilang larawan ang ibinagi ng MU queen kabilang na ang pagsalubong ngkanyang MU sisters matapos makoronahan, at ilang mga naging paghahanda upang matiyak na maiuuwi ang korona.

Isa sa mga larawang umagaw sa atensyon ng netizen ang iginuhit na plano ng kandidata sa pagyang pagrampa kung saan detalyado ang panahon ng kanyang pag-awra sa ilang bahagi ng stage.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaang kilala si Catriona sa kanyang iconic lava walk na hinangaan hindi lang ng pageant fans kundi maging ng mga dating titleholders at pageant analysts.

Samantala, may paalala ang ngayong recording artist nang si Catriona sa mga planong hindi naisakatuparin dahil sa kasalukuyang pandemya.

“The years since my reign ended (Dec 2019) have been a rollercoaster. And I know I'm not alone in feeling like I've lost time. Time with loved ones - lost. Plans have been cancelled. Dreams delayed. Collectively, we have faced adversities and challenges,” ani Catriona.

“But I want to encourage you. Behind every hindrance is an opportunity. Behind every closed door, is one that is set aside, just for you, waiting to be opened. Behind every perceived denial, is a redirection. ?In God's perfect time, dreams come true. Please, just never, ever give up in the pursuit of your purpose,” paghihikayat ng beauty queen sa kanyang masugid na followers.

Kinoronahan bilang ikaapat na Pinay Miss Universe titleholder si Catriona sa Bangkok, Thailand noong December 17, 2018