Nasamsaman ng tinatayang ₱436,628 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang tatlong drug suspects sa magkasunod na anti-illegal drug operations sa Makati City nitong Disyembre 13.

SPD/PIO

Sa ulat ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng  Makati City Police Station Drug Enforcement Unit sa Block 323 Lot 23 Maya Street, Barangay Rizal dakong 10:00 ng gabi na ikinaaresto ng mga suspek na sina Wilmer Lopez, alyas Toto, 39, at Cathleen Joie Roxas, alyas Cath, POGO Customer Representative, 29. Binentahan umano ng dalawang suspek ng 10 plastic sachet na naglalaman ng shabu na may halagang ₱85,000 ang police posuer buyer sa lugar.

Eleksyon

Vendor, kakandidatong senador; nanawagan ng tulong para sa anak na may rare disease

SPD/PIO

Narekober kina Lopez at Roxas ang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000; marked money; at envelope.

Unang isinagawa ang operasyon ng awtoridad sa No. 164 Caimito St., Brgy. Cembo sa nasabing lungsod bandang 5:00 ng hapon na nagresulta ng pagkakdakip ng suspek na si Rosalito Guarra,alyas Jojo, 55, taga-Makati City. 

Nasabat kay Guarra ang 9.21 gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱62,628, ₱500 buy bust money, cellphone at isang maliit na orange case. 

Agad itinurn-over sa SPD Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensiya habang sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek.

“Binabati ko ang Makati City Police sa isa na namang matagumpay na operasyon kontra droga. Sa ating mga kababayan, makakaasa kayo na ang Southern Police District ay nasa inyong likod upang suportahan kayo sa ating layunin na mahuli at maipakulong ang sino mang nag papakalat ng ipinagbabawal na gamot sa ating nasasakupan,” pahayag ni BGen Macaraeg.

Bella Gamotea