Walang iniaalok ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng₱10,000 na financial assistanceonline.
Ito ang paglilinaw ng DSWD matapos silang maalarma sa isang pekeng Facebook page na sinasabing nag-aalok sila ng ayuda sa mga netizens.
“The Department received a report from a concerned citizen that a bogus FB page, which is circulating online, posted a status asking the public to register through a link in order to receive the P10,000 financial assistance,” pahayag ng DSWD nitong Lunes, Disyembre 13.
Paglilinaw ng ahensya, wala silang mga programa financialassistance na ipinatutupad sa pamamagitan ng online o social media platforms.
Dahil dito, agad na iniutos ng ahensya na imbestigasyon ang usapin upang matukoy ang nasa likod nito.
Pinayuhan na ng DSWD ang publiko na isuplong sakanilang Agency Operations Center thru8888 hotline ang anumang impormasyon na mula sa pekeng FB page.
Charissa Luci-Atienza