Tiniyak ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa publiko na magkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna ang bansa para sa booster shots laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa susunod na taon.

Sinabi ni Nograles, sa isang virtual press conference nitong Biyernes, Dis. 10 na ang pondo para sa booster shots ay magmumula sa P45-bilyong alokasyon sa ilalim ng panukalang 2022 national budgert o General Appropriations Act (GAA).

“Yes [we have enough supply],”tugon ng opisyal ng Palasyo sa isang tanong ng isang mamamayahag.

“Kung hindi magbabago sa [proposed] General Appropriations Act no or sa—right now kasi nagba-bicam na ngayon ang House of Representatives at ang Senado to finalize the proposed budget for 2022. Pero doon sa sinubmit po namin [Malacañang] sa Kongreso na proposed budget natin for the vaccines for next year, P45 billion po ang nakalagay diyan,” sabi ni Nograles.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

“We await ano iyong magiging (the) final version ng (of the) budget as approved by the Bicameral Conference Committee ng Kongreso,” dagdag niya.

Dating tagapangulo ng House Appropriations Committee si Nograles na dating kongresista ng Davao.

Ang booster shot ay isang karagdagang dosis ng COVID-19 na tatanggapin ng isang indibidwal matapos ang anim na buwan pagkatapos makumpleto ang kanyang inisyal o “full” dosis ng banuna. Ang full vaccination ay maaaring mangahulugan ng isa o dalawang shot, depende sa tatak ng bakuna.

Sinabi ng mga health officials na ang proteksyong tinatamasa ng isang bakunadong indibidwal ay humihina pagkatapos ng anim na buwan kaya’t kinakailangan ang booster shot.

Noong Huwebes, naglunsad si Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion ng isang pagpupulong sa pagitan ng mga pribadong sektor at mga opisyal ng mga vaccine manufacturer na AstraZeneca upang mapadali ang pagkuna ng booser shots para sa mga lokal na manggawa sa 2022.

Sinimulan ng Pilipinas ang mass vaccination program nito laban sa COVID-19 noong Marso ngayong taon.

Ellson Quismorio