Hindi pala makakalimutan ng evicted celebrity housemate ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 at ngayon ay Ginebra San Miguel 2022 Calendar Girl na si Chie Filomeno ang 'pagsubok' na dumating sa kaniyang showbiz career dahil sa naging viral na video nila ng 'GirlTrends' sa 'It's Showtime'.

Katakot-takot na bashing ang natanggap ng grupo mula sa mga netizen dahil sa mali-mali at hindi sabay-sabay na pagsayaw nila, naturingan pa naman daw silang grupo.

“The ‘fiasco’ with the ‘Girltrends,’ nagkamali-mali kami, dalawang taon akong hindi sumayaw on live TV dahil sa bashing,” pag-amin ni Chie sa host na si Vince Velasco sa ginanap na virtual media conference sa kaniya nang ilunsad siya bilang calendar girl ng GSMI.

Labis daw na nakaapekto sa kaniya ang mga panlalait na natamo mula sa bashers.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Dahil sa nababasa mo everyday, maniniwala ka. Naging sad ako,” aniya.

Sinikap daw ni Chie na makabangon mula sa matinding kritisismong natanggap, na halos ipako na sila sa krus ng mga netizen. Masakit at malungkot umano siya sa nangyari dahil passion niya ang pagsayaw.

“I don’t want to give them that power. I will dance again. This is my passion.”

“Passion ko iyon. I veered away because of mga taong hindi ko kilala, hindi alam ang paghihirap mo. I want to prove them wrong,” saad ni Chie.

Matapos ang exposure sa PBB House at pagiging calendar girl, umaasam si Chie na sana raw ay magtuloy-tuloy na ang kaniyang pagbangon at pagbawi.

Bukod sa naturang viral video, nais din niyang patunayan na ang mga kagaya niyang 'petite' at 'skinny' ay maaari ding makipagsabayan sa ibang nakukuhang calendar girls ng liquor brands, na masasabing hindi naman basta-basta at talaga namang big stars.

“I can show the petite women like me that they can also achieve their dreams. I’ve been told I’m too skinny, I’m too small, mukha akong mahina,” aniya.

“Bata pa lang ako, marami na ako peklat. Hindi ako takot.”

"Never judge people, be kind.”