Sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Huwebes, Disyembre 2 na nalampasan na nila ang kanilang target ng 53,000 doses matapos makapagbakuna ng mahigit 83,000 doses sa tatlong araw ng national vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.

“This is a breakthrough for the PRC. No matter what the circumstances are, we are always first, always ready, and always there, fully involved in going the extra mile to help our fellow countrymen,” sinabi ni PRC Chairman and chief executive officer (CEO) Sen. Richard Gordon.

Ayon sa PRC Health Services, ang kanilang inisyal na target ay makapagbigay ng 53,000 doses ngunit ito ay lumampas sa 83,532 doses sa pamamagitan ng 17 Bakuna Centers, 12 Bakuna Bus, at 25 Bakuna teams.

“We have also mobilized 800 volunteers including doctors, nurses, medical and nursing students for the 3-day nationwide event,” dagdag pa ng PRC Health Services.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan ng PRC ay umabot sa 606,000 na katao.

Dhel nazario