Nabakunahan na kontra COVID-19 ang 90% ng kabuuang populasyon ng Taguig City katumbas ng 783,796 indibiduwal sa lungsod.
Ayon sa Taguig City government umabot na sa 681,667 indibiduwal ang fully vaccinated laban sa COVID-19 o 78% ng kabuuang populasyon.
Kaugnay nito,pumalo na sa kabuuang 1,457,896 ang naturukan na ng bakuna sa lahat ng vaccination hubs sa lungsod.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa national government at tiniyak ang komprehensibong vaccine portfolio para sa mabilis,ligtas at accessible vaccination rollout sa Taguig City.
Ang pagbabakuna ay magpapatuloy hanggang sa maprotektahan ang huling Taguigeño.
Para magparehistro sa TRACE sumangguni lamang sa trace.taguig.gov.ph o magpunta sa Taguig TRACE kiosks sa lahat ng barangay hall at kumuha ng inyong QR code.
Bella Gamotea